Opinyon ko lang ha. Kung wala yang masyadong haters si Myrtle, di yan makakaabot sa Big 4. Kay-kayo din namang mga haters yung gumagawa ng paraan para isave namin siya eh kayo din yung gumagawa ng paraan sabihin ng mga taga-suporta ni Myrtle na “Botohin pa natin si Myrtle madaming siyang haters, bumuboto din kasi yung mga haters niya na BBE kaya kung nagvovote sila ng BBE kailangan times two na BBS yung botohin natin kay Myrtle” Kaya wala na kyong magagawa, Big Winner siya at sisikat siya.
Bakit pamilya lang ba ni Myrtle yung bumuto? Nakikita niyo kasi na ang daming haters ni Myrtle kaya sa tingin niyo pamilya niya lang yung boboto sakanya, baka nakalimutan niyo na ang daming niya ring taga-suporta. Kayo din namang mga haters yung gumagawa ng paraan para dumami pa yung mga sumusuporta kay Myrtle at kayo din haters yung gumagawa ng paraan para magsama-samang magvote yung mga taga-suporta ni Myrtle eh. May pa trending trending pa kayo sa twitter eh wala din naman kayong magagawa sa lumabas na resulta. Sana kasi tinodo niyo na yung pagboto para walang sisihan sa huli. BTW Congrats Myrtle! :))
Guys! Maraming-maraming salamat po sa mga bumuto kay Myrtle kahapon. Alam nating na maraming di sang-ayon sa resulta pero wala na silang magagawa dun. Sana naman mga haters magmove-on na kayo, tanggapin niyo nalang yung lumabas na resulta. Sana tinido niyo yung pagboto sa hinahangaan niyo na housemate para walang sisihan sa huli. BTW Congrats! Myrtle! Pati na din kina Joj, Jai, Roy, Karen!

BBS Myrtle
Guys. Bukas na yung Big Winner. Please sana wg niyong kalimutan na botohin si Myrtle. Wag tayong makampante na madaming siyang fans kaya marami yung boboto sakanya tandaan natin na may BBE na! Yung mga haters ni Myrtle sigurdong boboto talaga ng BBE sakanya. Sana wag niyong kalimutan botohing BBS si Myrtle. Mara
Guys! Wag niyong kalimutang botohin si Myrtle! :)
Bye Kit!
Kahapon nakakadisaapoint yung PBB UBER dahil sa ginawa ni John Prats. Ipinatrend niya yung #assumera sa twitter na nagtrend naman sa 2nd spot. Kahit na alam nilang nagassume si Myrtle di nila kailangan ipatrend. Host siya, kailangan alam niya kung ano yung ginagawa niya at higit sa lahat alam niya yung mga pinagsasabi niya.
